
TIKTOK STAR OF THE DAY
KUNG all-in-one package ang hanap mo, walang tatalo kay Aiko Climaco! Actress, model, at natural comedienne, pero sa TikTok, ibang Aiko ang matutunghayan mo — isang pambansang pampagana na may halong pampagaan ng araw!
Dating Banana Split Girl, kaya sanay sa pasabog na ganda, pero ‘wag kang magkamali—hindi lang pang-posing si Aiko, kundi may karisma siyang kahit anong gawin ay nakakapanabik panoorin.
Kahit simpleng lip sync o dance challenge, may hatid na kilig at sizzling energy na parang gusto mong ulit-ulitin.
Kung gusto mong matawa habang natutulala, isang scroll lang kay @aikolicious6, at siguradong busog na busog ka sa visual feast ng kanyang hot looks at cool antics.