
TIKTOK STAR OF THE DAY
AMIDST the tropic’s sway, Allesandra, with a radiance that holds sway, blends Filipina beauty with a sultry display.
Petmalu kung ibandera ng TikTok star na si Allesandra Niebres o Sandy bilang kanyang display name ang taglay niyang husay sa content creation.
Sa kanya ngang account sa nasabing video-sharing app na @allesandraniebres na may higit 130K followers, masisilayan ang lifestyle ng dalaga sa ibinabahagi niyang videos. Mula sa kanyang pagiging pretty-sexy Filipina, ilang dancing videos, at lip syncing sa mga viral sounds sa TikTok.
Maraming kayang i-offer si Allesandra dahil sa kanyang Instagram account na @allesandraniebres, masusulyapan ang kanyang bikini life, travel photos, at pagiging fashionista.
Deserve na deserve nga ni Allesandra ang kanyang pagiging TikTok star dahil sa angkin at ipinapakita niyang ganda, hotness, at talento.