Tiktok3

TIKTOK STAR OF THE DAY

February 14, 2025 People's Tonight 211 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok4SWEET yet bold, like a strawberry’s hue, Gladys turns heads with a charm so true.

Ang TikTok star na si Gladys Castro o “Strawberry” ayon sa kanyang display name ay talaga namang may ibubuga pagdating sa pagpapasaya ng kanyang higit 420 thousand followers sa nasabing social media platform.

Sa kanyang TikTok account na @cstro_glads, punong-puno ng star factor ang kanyang lip syncing at dancing videos. Kering-keri niyang makipagsabayan sa mga pakulong dance steps ng app. Maging sa lifestyle at kung ano pang viral ay mahusay makagawa ng entry si Gladys

Sa Instagram account niyang @fav_strawberry17, ibang Gladys naman ang masasaksihan. Mapapatambay sa kanyang page ang mga kalalakihan dahil sa perpektong kurba ng kanyang katawan at maangas na kariktan.

Tamang timpla ang kanyang talento at karisma. Swak na swak sa panlasa ng kanyang mga tagasubaybay ang inihahain ni Gladys.

AUTHOR PROFILE