
TIKTOK STAR OF THE DAY
“SLAYYY!” ang TikTok star na si Leigh pagdating sa pagiging TikTok star.
Hindi na nakakapagtaka ang libo-libong views kada video ni Leigh Vallente sa TikTok account niyang @_leighh.v. Mayroon na nga siyang mahigit 320K followers na todo suporta sa kanyang mga kabogerang contents.
Nakakasabay sa kung anong trending na kanta o sounds sa nasabing video-sharing app ang social media star. Mapapanood ang husay niya sa mga dancing at lip syncing videos. Pati nga sa beauty at skincare ay winner ang galing ni Leigh.
Sa Instagram account naman niyang @_leighh.v, lethal ang face card ng digital creator. Sa ganda at kaseksihang mayroon siya, pinag-iingat ni Leigh ang kanyang followers sa mga nagiging poser nito o mga gumagawa ng fake accounts gamit ang kanyang litrato.
Talaga nga namang pupusuan ng sambayan ang ganda ng kanyang katawan sa mga bikini photos ng bebot. Hindi lang sa pagkuha ng selfie magaling si Leigh dahil ang kanyang body, overflowing ang pagkaseksi.