
TIKTOK STAR OF THE DAY
MAY tamang timpla ng tapang at tamis si Chloe Recto, na kilala sa kanyang handle na @clow.clow, kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit mainit siyang sinusubaybayan ng kanyang 648.3K followers sa TikTok.
Bilang isa sa mga nag-aalab na miyembro ng Mocha Girls, sanay siyang dumaloy sa eksena nang may grace pero may giggle factor na parang kape — mainit, matapang, at may panalong aftertaste!
Sa kanyang mga performance, hindi lang basta giling ang dala ni Chloe — may hatak, may power, at may pwersa na kahit sino ay mapapasabay sa indak. Bawat video niya sa TikTok, laging may extra shot of energy na parang espresso na gigising sa iyong diwa.
Kung hanap mo ang kombinasyon ng init at landi na sakto lang sa panlasa, Chloe ang sagot diyan. Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa, tikman mo na ang tamang timpla!