
TIKTOK STAR OF THE DAY
AYAN na si Allana, dala-dala ang kanyang ‘di mapagkakailang karisma sa social media.
Mula sa kanyang pagiging sexy Filipina, lip syncing sa mga viral na kanta, ilang dancing videos, at pagiging endorser mula sa mga affiliate brands sa TikTok, kering-keri makipagsabayan ng digital creator.
Ang TikTok star na si Allana Castro at ang kanyang account na @alicrz_ ay talaga namang patuloy na umuusbong sa nasabing video-sharing app. Patunay na nga riyan ang pagkakaroon niya ng halos 250K followers. Bukod pa diyan ang halos 40K niyang followers sa Instagram account na @alicrz_.
Bukod sa mga pasabog niyang selfie sa IG, patok din sa followers ang mga bikini photos niya. Talaga namang pinupusuan ng kanyang mga tagahanga ang taglay niyang kaseksihan.
Deserve na deserve nga ni Allana ang kanyang pagiging TikTok star dahil sa angkin at ipinapakita niyang ganda, hotness, at talento.