
TIKTOK STAR OF THE DAY
HINDI man siya ang Sam Pinto na minsang kinagiliwan ng lahat sa TV, siya naman ang Sam Pinto na sa social media ay lodi ng nakararami.
Ang TikTok star na si Sam Pinto ay patuloy na pinapakinang ang kanyang sariling pangalan sa digital world.
Ang kanyang ngang account na @imsampinto_ sa TikTok ay mayroon nang tumataginting na 1.5 million followers. Bukod pa riyan ang Instagram account niya sa kaparehas na username, na mayroon na ring higit 270K followers.
Patok sa netizens ang lifestyle at beauty videos ni Sam. Talaga namang pinupusuan ng kanyang mga tagasuporta ang contents ng nasabing content creator.
Hindi lang magaling sa paggawa ng video si Sam, mahusay rin siyang magpakilig sa mga kalalakihan niyang tagahanga. Bukod kasi sa ganda, kabogera rin ang maganda niyang pigura.
Hindi lang charming ang TikTok star, maalindog din ang bebot kaya nga ang puso ng netizens sa kanya’y kumakabog.