Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

January 28, 2025 People's Tonight 128 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4BIYAHENG langit ang contents ng TikTok star na si Francheska Manalang o “Cheska.”

Bukod sa pagiging flight attendant, kaya niya ring paliparin ang atensyon ng netizens papunta sa kanya sa pamamagitan ng kanyang mga videos sa nasabing social media platform.

Masasaksihan sa TikTok account niyang @_cheskamanalang ang kinang na meron si Francheska. Nariyan ang mga video niyang ipinapakita ang kanyang lifestyle at travel mini vlogs.

Bukod sa video-sharing app, kinahuhumalingan din ang ganda niya sa Instagram. Masisilayan sa account niya roon na @cheskamanalang_ ang heavenly body at beauty ni Francheska.

Abot langit nga ang ngiti ng kanyang male followers sa tuwing nagpo-post ng selfie ang social media star at kapag ipine-flex nito ang perpekto niyang hubog.

AUTHOR PROFILE

Tiktok Star

SHOW ALL

Calendar