Tiktok4

TIKTOK STAR OF THE DAY

January 27, 2025 People's Tonight 110 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok3PETMALU at may angas ang karisma ng TikTok star na si Charisse Myers.

Mahusay magpa-wow ang social media star dahil sa mga ibinabahagi niyang contents. Sa TikTok account pa nga lang niyang @rissemyers na may higit 170 thousand followers, may dalang aliw ang mga lip syncing videos niya.

Talagang nakaka-relate ang kanyang followers sa mga point of view videos, at nahuhumaling naman sa kanyang kagandahan kapag umaawra na sa camera.

Sa Instagram din ay hindi pahuhuli si Charisse, walang halong “keme” ang alindog niya. Sa account niyang @rissemyers, maswerte ang kanyang followers na matunghayan ang kanyang lifestyle at pasabog pictures sa nasabing social media platform.

Bukod sa beauty, kayang-kaya ring makipagsabayan ng TikTok star pagdating sa paseksihan. Angat ang kanyang kurba sa bikini photos na ibinibida niya.

Kung usapin ngang face card, ang sa kanya nga ay never atang magde-decline. Nakakahawa ang kanyang karisma, good vibes ang dala niya sa netizens. Isa ito sa dahilan kung bakit patuloy ang kanyang pagkinang sa digital world.

AUTHOR PROFILE

Tiktok Star

SHOW ALL

Calendar