
TIKTOK STAR OF THE DAY
“EYE candy” ang imaheng nagmumula sa TikTok star na si Wendy.
Ang model, endorser, at social media influencer na si Wendy Lauren hindi maitatangging may charm sa mga ipinapakita niya sa social media, kaya nga ganoon na lang kung mahumaling sa kanya ang netizens.
Maaaring mai-follow ang kanyang TikTok account sa username na @mswendylauren, kung saan mahusay niyang ibinibida sa followers ang kanyang contents.
Sa Instagram naman kung saan aktibo ang content creator, swabeng-swabe ang beauty at sexiness niya sa posts. Bukod sa may magandang mukha, hotness overload din ang kanyang body na talaga namang paborito ng mga kelot niyang tagahanga.
Tuloy-tuloy na nga ang pagningning ng pangalan ni Wendy sa digital world kaya’t hindi magsisisi kung siya ay kikilalanin mo rin.