
TIKTOK STAR OF THE DAY
HINDI man siya parte ng Sexbomb Girls pero mapapa-“get get aww!” sa TikTok star na si Jellie Aw, dahil ang kanyang contents sa social media sa karisma’y apaw na apaw.
Sa kanya ngang TikTok account na @djjellieaw_11, may higit 230K nang followers ang social media star.
Kitang-kita ang suporta sa kanya ng mga tagahanga sa kanyang lifestyle videos at sa kung anu-ano pang contents ang ilabas ni Jellie.
Hindi lang social media influencer si Jellie, isa rin siyang DJ, ambassador ng mga produkto, at naka-graduate sa kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management.
Itinanghal din si Jellie bilang Number 1 World’s Sexiest DJs ng EDMdroid Asia noong 2020.
Eh paano ba naman, hindi lang beauty meron ang bebot, sa IG account nga niyang @realjellieaw, matutunghayan sa ilang posts ang seksing katawan ni Jellie.