
TIKTOK STAR OF THE DAY
KAPAG napanood mo na siya, mapapakanta na nga lang talaga ng “mga tipo ko’y mestiza na chinita…” dahil ang TikTok star na si Tyra Ku talagang type na type sa social media.
Tara at kilalanin si Tyra! Sa mga videos kasi niya sa Tiktok account na @tyraku1414, banayad kung ibandera ng social media star ang kanyang charm.
Pinaghalo ngang cute and sexy ang image ni Tyra, sa pagngiti pa lang niya sa kanyang contents, huling-huli na ang kiliti ng kanyang followers.
Maging sa Instagram account niyang @tyraxxii14, kumakaway ang mga kalalakihan sa pagiging “kawaii” ni Tyra. Sa kanyang pretty selfies pati na sa sexy photos, nag-uumapaw ang alindog niya.