Tiktok2

TIKTOK STAR OF THE DAY

January 14, 2025 People's Tonight 125 views

TiktokTiktok1Tiktok3Tiktok4ALAM mo bang alam ng karamihan ang aking pangalan.”

Parte ‘yan ng lyrics sa original song ng TikTok star na si Trixie Escosis o kilala rin bilang “TRIXZ” ng mga sumusuporta sa kanya sa music scene.

Bukod sa pagiging social media star, sinimulan ni Trixz ang kanyang musical career noong taong 2023 kung saan 21 taong gulang siya.

Kabilang din siya sa girl group na “Escosis Sisters” kung saan kasama niya ang kanyang sariling mga kapatid.

Patuloy nga ang paglago ng platforms ni Trixie. Gaya na lang sa TikTok account niyang @escosistrixie na may higit 120K nang followers, nakapagbibigay saya ang content creator sa pamamagitan ng kanyang iba’t ibang videos.

Sa Instagram account din niyang @trixieescosisofficial ay may malaking audience si Trixie. Ang halos 200k niyang followers ay talaga namang inaabangan ang ina-upload niyang photos doon.

Hindi nga lang lifestyle, fashion, at selfies ang makikita sa kanyang page dahil maging ang nag-uumapaw niyang kaseksihan, pinupusuan ng karamihan.

AUTHOR PROFILE

Tiktok Star

SHOW ALL

Calendar