
TIKTOK STAR OF THE DAY
MALA-OUT of this world ang taglay na karisma na meron si Rizza, ang TikTok star na may contents na kahali-halina.
Petmalu nga kung ibandera ng social media star na si Rizza Mae Cruz ang kanyang bangis sa pagpukaw ng atensyon ng netizens saan mang social media platform.
Sa TikTok account niyang @iamrizzamae28 na may halos 100K followers, malusog ang natatamong likes ng kanyang videos. Eh kasi naman, kapag humataw na si Rizza sa mga viral dance at sound challenges, may wow factor ang kanyang pag-awra.
Maging sa Instagram, isang ganap na kabogerang digital creator ang ating TikTok star ngayon. Mula sa kanyang mga brand partners, pagta-travel, at pagiging modelo, lahat nang ‘yan ay makikita sa kanyang IG account na @rizzamaecruz28.
Bukod sa pretty face, meron din siyang perfect body. Sa mga bikini photos nga niyang ipino-post, huling-huli ang atensyon ng mga male followers niya. Ibang level din kasi ang kakinisan ng bebot.
Mukhang kakailanganin mo ng umbrella, dahil umuulan ang pasabog na ganda at kaseksihan ni Rizza.