TIKTOK STAR OF THE DAY
“IT’S a beautiful life” ang mantra ng model-artist at TikTok star na si Mariel Jane Russel Mallillin.
Glowing nga sa video-sharing app na TikTok ang content creator. Talagang angat ang kanyang charm sa bawat videos na kanyang ina-upload.
Kaabang-abang para sa kanyang higit 400K followers sa account niyang @rapsygaming ang lifestyle videos ni Mariel Jane. Pati nga sa mga viral sounds and trends ngayon sa TikTok ay yakang-yaka niyang makisabay.
Bukod sa pagiging modelo, isa ring streamer si Mariel Jane.
Pasabog naman ang kaseksihan niya sa Instagram account na @marieljanerusselofficial. Kada scroll sa kanyang page ay bikini posts ang bumabandera, kaya nga lodi na lodi siya ng kanyang higit 260K followers doon.
Ayon pa sa kanyang isang post “celestial goddess” ang atake ni Mariel Jane, kaya patuloy siyang titingalain ng dumarami pa niyang tagasuporta sa social media.