TIKTOK STAR OF THE DAY
HINDI man siya ang superstar na si Kathryn Bernardo, siya naman ang TikTok star na si Kateleen Bernardo na magbibigay ngiti sa’yo sa pamamagitan ng kanyang contents.
Mapapatingin ang netizens kay Kateleen at sa kanyang TikTok account na @_bernardok8. Mula sa kanyang gandang ka-flex-flex sa pamamagitan ng pag-awra o pag-lip sync sa mga viral sounds ng nasabing video-sharing app, hanggang sa lifestyle videos niya ay talagang sinusuportahan ng dumarami pa niyang 210K followers.
Sa Instagram account naman niyang @_bernardok8, makalaglag-panga ang kanyang bikini photos at angat ang kariktan niya sa panalong selfies.
Ang pinaghalong expensive look, elegance, at kaseksihan ni Kateleen ang magpapatunay na kayang-kaya niyang makipagsabayan sa ibang social media star at patuloy na magniningning ang kanyang ngalan.