TIKTOK STAR OF THE DAY
TINITINGALA ang pagiging bituin ng TikTok star na si Christina Benitez dahil sa kanyang charm na talaga namang may kinang sa social media.
Talagang mapapahinto ka sa pag-scroll kapag natapat ka sa kanyang nakaaaliw at mga sexy contents sa account niya sa @just_tinbenitez na may higit 255K nang followers. Mula pagsayaw, lifestyle contents, lip syncing, kayang-kaya niya ipakita.
Iba rin ang atake niya sa kanyang Instagram account na @tinbenitez18, bukod sa lifestyle content, halimaw din maging model si Christina sa mga photoshoots. Talaga nga namang sumisirit ang taglay na kaseksihan ng social media star sa pagbabandera niya ng kanyang sexy body.
Pero hindi lang bikini body ang kayang maipamalas ni Christina dahil kung isapin lang din naman ng ganda, “face card never declines” diyan ang ating bida. Makikita nga iyan sa talaga namang pinupusuan ng netizens na selfies niya.
Sa dami ng kayang ipakita ni Christina, hinding-hindi ka magsasawa. Hindi mapipigilan ang TikTok star na ito na mamayagpag sa social media sa dami ng pwede niyang ibida.