TIKTOK STAR OF THE DAY
“YOUR favorite Filipina,” ang sey ng TikTok star na si Natalie Rose Velasquez sa kanyang social media bio.
Eh kasi naman, magiging siya talaga ang paboritong Pinay ng netizens dahil sa kanyang mga nakakabuhay na contents.
Todo flex si Natalie sa kanyang nag-uumapaw na beauty sa TikTok account nitong @natalierosev. Favorite nga ng kanyang followers ang mga lip syncing videos niya kung saan mapapanood na umaawra ang dalaga.
Sa Instagram naman, she’s serving “body, body, body!” Makalaglag panga ang kurba ng social media star sa mga post nito. Sa IG account niyang @natalierosev01, masasaksihan ang “Pinay na sobrang fine.”
Hindi mo mapipigilan na siya’y mapusuan, dahil itatali ni Natalie ang iyong atensyon sa kanyang hindi kaayaw-ayaw na charm.