TIKTOK STAR OF THE DAY
WALANG mintis kung magpangiti si Denise ng netizens dahil sa angkin niyang kinang sa social media.
Ang TikTok star na si Denise Amano o mas kilala ng kanyang followers bilang “CandyRirit” ay kabogera kung ibandera ang mala-anghel niyang beauty at halimaw niyang hotness.
Sa TikTok account niyang @strawhat.candy, matamis ang ngiti ng mga manonood sa lifestyle contents ng bebot.
Patok din sa kanyang higit 70K followers sa Instagram ang expensive looking niyang mga larawan. Sa account niyang @candyririt, talagang mahuhumaling ang sangkalalakihan sa perpekto niyang wangkata sa tuwing nagpapasilip ng kaseksihan ang ating bida.
Flawless at glowing si Denise, talagang magsha-shine ang kanyang ngalan sa puso ng netizens.
Bukod sa pagiging social media star, certified anime fan din si Denise. Bakas nga ito sa kanyang mga contents at sa tuwing nagco-cosplay ang digital creator.