Tiktok3

TIKTOK STAR OF THE DAY

December 3, 2024 People's Tonight 96 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok4PRINCIPE man ang nasa kanyang pangalan, prinsesa naman ng social media kung ituring ng kanyang followers si Ivy dahil sa angkin niyang star factor.

Ang TikTok star na si Ivy Principe at kanyang account na @ivyprincipe_ ay may higit 110 thousand followers. Talaga namang nansisilaw at nagpapahinto ng netizens sa tuwing madadaanan ang kanyang mga contents dahil kahuma-humaling ang kaya niyang ihain.

Iba’t iba nga ang kaya niyang ipakita: mula sa pag-lip sync at pag-awra sa mga nakakatuwa at nakakatunaw na viral songs sa video-sharing app, hanggang sa paggamit ng templates, pati na lifestyle videos ay kayang ihain ni Ivy.

Sa Instagram account niyang @_ivyprincipe, inaabangan din ang ilalabas niyang mga larawan kaya nga pataas ang angat ng 100 thousand niyang followers.

Dream girl ang atake ni Ivy kaya nga pahaba nang pahaba ang pila ng mga bet maging prince charming niya. Hindi nga malabong malayo ang kanyang mararating sa mundo ng social media at content creation.

AUTHOR PROFILE