Tiktok3

TIKTOK STAR OF THE DAY

December 2, 2024 People's Tonight 296 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok4KUNG hanap mo’y binibining mala-‘modern Maria Clara,’ edi kilalanin na ang TikTok star na si Clara Chua.

May hinhin man ang kanyang pangalan, mabangis naman kung magpasabog siya ng alindog at charm sa kanyang mga videos sa TikTok account niyang @clara_chua.

Halos 850K na nga ang followers ng bebot at talaga namang patuloy siyang sinusuportahan ng mga manonood sa contents niyang tulad ng lip syncing at pag-awra sa mga patok na kanta sa TikTok, kaya nga ganoon na lang kung i-‘mine’ siya ng mga male followers.

Klarong-klaro nga ang ganda ni Clara, sa videos man o sa pictures talagang pinipilahan siya ng mga Crisóstomo Ibarra.

Sa Instagram account naman niyang @clarachua___, very sexy ang atake niya sa mga bikini at sexy outfits. Mahuhumaling sa pagtitig sa kanyang malusog na sex appeal ang lumalago niyang followers sa nasabing social media platform.

AUTHOR PROFILE