Tiktok5

TIKTOK STAR OF THE DAY

September 22, 2023 People's Tonight 166 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4

@aye.yuna

♬ Cmonnn (Hit It One Time) – 5Star

@aye.yuna

jwu

♬ original sound – 𓆩ᴅᴀᴠᴇ𓆪 – Faith Abarquez

WITH an hourglass shape and a face so fine, Yuna Ann, a true divine! Hindi nga papahuli pagdating sa pagpukaw ng atensyon ng netizens ang TikTok star na si Yuna at talaga namang unti-unti na siyang tinitingala sa nasabing video-sharing app.

Si Fiona Anne Rizo o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Yuna Ann” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong 440.1 thousand followers at halos five million likes sa kanyang account na may username na @aye.yuna. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Instagram, ang kanya ngang page ay mayroon nang halos 17 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, lip syncing skills, pagiging fashionista, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Ilan sa kanyang mga video ang nakaagaw ng atensyon, kabilang na ang kanyang dance video sa kantang “Cmonnn (Hit It One Time)” ng 5Star na mayroong 2.5 million views at halos 300K likes.

Pinusuan din ng netizens ang viral video niya habang humahataw sa kantang “Wet The Bed” ni Chris Brown na mayroon nang 2 million views at 220K views.

Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Yuna sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE