Mich1

TIKTOK STAR OF THE DAY

September 20, 2023 People's Tonight 163 views

MichMich2Mich3Mich4Mich5NAWALA man ang main account ng TikTok star na si Michelle hindi tumigil ang bituin na mawalan siya ng kinang sa social media platform. At ngayong muli siyang nagbalik, bukod sa kanyang ganda at karisma, hindi nawala ang kakayahan niyang makapukaw ng madla.

Si Michelle Bobillo o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Mich” ay isang 22-anyos TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong 41.2 thousand followers at 305 thousand likes sa kanyang account na may username na @_bobillomichelle. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Instagram, ang kanya ngang page ay mayroon nang mahigit seven thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, lip syncing skills, travel and lifestyle contents, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Bukod sa perfect body and beauty, mayroon ding angking husay sa edukasyon ang dalaga. Kamakailan lamang ay nakapagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Accounting Information System sa Our Lady of Fatima University – Antipolo.

Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Michelle sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE