
TIKTOK STAR OF THE DAY
THEY say, “All good girls go to heaven,” but this Angel brings heaven to you with her beautiful smile, face, and perfect body. Hindi nga papahuli pagdating sa pagpukaw ng atensyon ng netizens ang TikTok star na si Gels at talaga namang unti-unti na siyang tinitingala sa nasabing video-sharing app.
Si Angelica Santosidad Miranda o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Gels” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.
Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong 62.2 thousand followers at 451 thousand likes sa kanyang account na may username na @angels6c. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page ay mayroon nang mahigit six thousand followers ngayon.
Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, pagiging fashionista, lip syncing skills, travel and lifestyle contents, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.
Isa sa mga hinahangaan kay Gels ng netizens ay ang kanyang pagbibigay pansin para sa mga taong humahanga sa kanya. Sinusunod ang mga requests at nakikipag-interact kasi ang dalaga at inaalayan pa niya ng video ang mga netizens na todo support sa kanyang contents.
Ang pangunahing sandata man ng TikTok star ang kanyang perfect body at beauty ay ‘di maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Gels sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.