TIKTOK STAR OF THE DAY
SA entablado, siya’y agaw eksana sapagkat siya ay isang reyna. Sa labas ay isang dalagang puno ng talento at ganda. Kilala mo ba siya?
Minsan ka na niyang pinamangha sa kanyang husay sa paglakad at pagtalak dahil sa mga beauty pageant siya ay pakak. Pagdating naman sa entertainment, hindi rin siya papahuli. Mula dubbing, singing, dancing, at maging joking, siya ay win na win!
Siya lang naman ang napakagandang si Joy Vito Pandaan, isang TikTok star. Lumaban siya sa iba’t ibang pageant na higit sa korona ay tiyak na maiuuwi niya ang puso mo.
Mula sa pasarela sa entablado, ready nang rumampa si Joy sa puso mo. Huwag nang mahiyang ipakita ang pagmamahal at suporta sa kanya, bisitahin ang kanyang TikTok account: @joyvitopandaan.