Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

August 2, 2024 People's Tonight 435 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4HINDI ka makakaramdam ng banas, kapag si Vanesha na ang nagpakita ng angas.

Petmalu nga kung ibandera ng social media star na si Vanesha Rae ang kanyang bangis sa pagpukaw ng atensyon ng netizens saan mang social media platform.

Bago man ang account niya sa TikTok dahil sa pagkawala ng luma, hindi tumigil ang dalaga sa paggawa ng videos sa nasabing video-sharing app at sa pamamagitan ito ng kanyang account na @vanesharae_.

Hindi tumigil sa pagkinang si Vanesha sa pagiging bituin ng social media. Maging sa Instagram nga ay kabogera ang kanyang karisma.

Ganda, kaseksihan, at personality? She got it all! Sa IG account niyang @vanesharae_, talagang maangas kung magpamalas ng kanyang alindog ang digital creator.

Mula sa lifestyle, pagta-travel, hanggang sa bikini photos, kering-keri ibahagi iyan ni Vanesha sa followers niya.

Who is Vanesha? She’s definitely one sexy Filipina to watch out for!

AUTHOR PROFILE