
TIKTOK STAR OF THE DAY
@diannetrixie_ sweatpants from @KJK Boutique
@diannetrixie_ e tinry
AT dahil dumadami ang bilang ng tao na mas conscious sa kanilang katawan, dumadami rin ang bilang mga beauty content creator. Kabilang na rito si Dianne Trixie, isang social media personality na nakatuon ang karamihan sa kanyang videos sa kung paano matutulungan ang publiko sa kanilang “beauty goals” ngayong pandemya.
Ang kanyang TikTok account (diannetrixie_) ay humakot na ng 765.1K followers at 24.9M likes.
Ngunit hindi lang pagpapaganda ang kaya ng TikTok star na ito dahil bukod sa magandang pisikal na katangian ay maganda rin kanyang personalidad dahil puno siya ng talento.
Lumabas na rin siya sa music video bilang isang featuring artist sa kantang “YK” ni Cean Jr., na kanya ring pinagbidahan bilang leading lady.
Bukod dito, kaya niya rin makipagsabayan sa dance floor dahil sa galing ng kanyang pagsasayaw. Kaya naman marahil ay dumadami pa lalo ang kanyang mga taga-hanga.