Tiktok1

TIKTOK STAR OF THE DAY

June 19, 2024 People's Tonight 118 views

TiktokTiktok2Tiktok3Tiktok4GAYA ng depinisyon sa musika, ang “melody” na hatid ng TikTok star na si Melodie ay may dalang satisfaction sa netizens.

Sa kanyang account na @melodiesoriano sa nasabing video-sharing app, masasaksihan ang ganda ng isang Filipina. Kabogera kung umawra si Melodie Rodriguez Soriano sa kanyang mga videos.

Tila may hipnotismong hatid ang pag-lip sync niya sa mga viral songs sa TikTok. Kaakit-akit ang halimuyak ng kanyang beauty.

Literal na langit ang dala ng beach life ng social media star sa Instagram. Sa account niyang @melodie_soriano, kayang ihain ni Melodie ang “best view.”

Hindi lang mga tanawin sa background ng kanyang pictures ang makalaglag-panga, dahil maging ang kanyang kaseksihan ay nakakatulala sa ganda.

Pasabog ang alindog ng TikTok star mga larawan. Mapapa-wow at mapapa-react ng puso ang kahit na sinong kelot na bibisita sa kanyang page.

Breathtaking ang kanyang kariktan. Ang kanyang karisma ay talaga namang pinanggigigilan.

AUTHOR PROFILE