Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

June 10, 2024 People's Tonight 284 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4SA entablado, siya’y agaw eksana sapagkat siya ay isang reyna kaya mata ng mga kelot ay tutok na tutok sa kanya. Sa labas ay isang dalagang puno ng talento at ganda.

Minsan ka na niyang pinamangha sa kanyang husay sa paglakad at pagtalak dahil sa mga beauty pageant siya ay pakak. Pagdating naman sa entertainment, hindi rin siya papahuli. Mula dubbing, singing, dancing, at maging joking, siya ay win na win!

Angel siya kung ituring dahil hindi lang sa puti ng kanyang balat kundi siya ay tila biyaya para sa lahat. Siya si Angel de Jesus. Lumaban siya bilang Binibining Pilipinas Bulacan.

Mula sa pasarela sa entablado, ready nang rumampa si Angel sa puso mo. Huwag nang mahiyang ipakita ang pagmamahal at suporta sa kanya, bisitahin ang kanyang TikTok account: @angelzdejesus, at maging isa sa lumalagong followers ni Angel.

AUTHOR PROFILE