Juala

TIKTOK STAR OF THE DAY

August 25, 2023 People's Tonight 312 views

Juala1Juala2Juala3Juala4Juala5KARANIWANG kinaaaliwan ang isang content creator sa mga jokes at skits niyang may intensyong magpatawa, pero ang TikTok star na si Juala sa ibang paraan nakitaan ng netizens para magbigay ng aliw sa kanila.

Si Juala Micah Panganiban o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Juala” ay isang 19-anyos TikTok sensation at painter na kinaaaliwan at hinahangaan ngayon sa nasabing social media platform, at patunay nga riyan ang mga viral videos niya sa app.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan at pagiging fashionista, husay sa pagsayaw, at higit sa lahat ang kanyang talento sa pagpipinta sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Nakilala si Juala sa mga TikTok videos niyang nagbebenta ng sariling artworks sa kakaibang paraan. Ang dalaga kasi’y sumasayaw sa mga sexy dance challenge at saka ipapakita ang kanyang nakamamanghang sining. Kinatuwaan ito ng netizens at nakitang epektibo bilang marketing strategy dahil may bumibili nga ng kanyang mga likha.

Ang iba pa nga’y hindi naniniwala na siya ang nagpipinta ng mga paintings na kanyang ibinebenta. Hindi nila inaakalang sa angking ganda at sexy ng TikTok star ay may ganoon pala itong talento sa sining.

Si Juala ay mayroong 108K followers at 2.3M likes sa kanyang account na may username na @jualapngnbn.

Kasalukuyang nasa kolehiyo ang TikTok sensation at nag-aaral sa University of Santo Tomas.

AUTHOR PROFILE