Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

December 19, 2023 People's Tonight 613 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4ISANG TikTok star at modelo ang unti-unting namamayagpag sa social media dahil sa angkin niyang hotness at ganda.

Si Michaela Coritana o mas kilala ng kanyang social media followers bilang “Astrid Silva” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong mahigit 230 thousand followers at 2.2 million likes sa kanyang account na may username na @atrid_silva. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @miss.astridsilva_, na mayroon nang higit 37 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook. Ang kanyang page ay mayroong higit 22 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body, lip synching skills, sexy outfits, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media accounts dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Bukod sa paggawa ng dancing at lifestyle contents, marami ring ine-endorse na produkto si Astrid mula sa mga affiliate brands sa TikTok.

Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Astrid sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga at mga brand partners ng dalaga.

AUTHOR PROFILE