
TIKTOK STAR OF THE DAY
ILANG beses mang nawala ang dating accounts ng TikTok star na si Patricia, hindi tumigil ang bituin na mawalan siya ng kinang sa social media platform. At ngayong muli siyang nagbalik, bukod sa kanyang ganda at karisma, hindi nawala ang kakayahan niyang makapukaw ng madla.
Si Patricia Camille Dela Cruz o kung minsan ay kilala ng kanyang mga social media followers bilang Maricel Geromo ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.
Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong halos 30 thousand followers at higit 150 thousand likes sa kanyang account na may username na @patriciacamilledelacruz. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @mrcl_geromo, na mayroon nang higit 12 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page ay mayroong halos four thousand followers ngayon.
Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, perfect skin, lifestyle contents, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.
Si Patricia ay tubong Cebu. Siya rin ay isang freelance model at brand ambassadress.
Ang pangunahing sandata man ng TikTok star ang kanyang perfect body at beauty ay ‘di maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Patricia sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga at maging ang ilang brand partners ng dalaga.