Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

August 21, 2023 People's Tonight 879 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4

@franzwaa_

♬ Rodeo (Remix) – Lah Pat & Flo Milli

SA mga dagat, talon, at kagubatan ng Real,Quezon, isang dilag ang namukadkad ang angking ganda at talento—ang 18 anyos na si Francois Sophia Dimalaluan.

Si Francois o mas kilala ng kanyang mga tagasuporta bilang si “franzwaa” ay isa sa mga bituin ng TikTok na unti-unting sumisiklab ang ngalan at content ngayon.

Sa kasalukuyan, ang TikTok sensation ay mayroong 327.1K followers at 1.5M likes. Bukod pa rito, kinaaaliwan at sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa Facebook, na mayroon nang 223K followers sa kasalukuyan.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, skills sa pagme-makeup, at husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Ilan sa kanyang mga video ang nakaagaw ng atensyon, kabilang na ang kanyang dance video sa kantang “Rodeo (Remix)” nina Lah Pat at Flo Milli. Pinusuan din ng netizens ang compilation ng mga larawan ni franzwaa habing ibinibida ang kanyang Filipina beauty sa kantang “Tara Kape Tayo (Diwata)” ni Joema.

Bukod sa angking ganda, ipinamamalas din ng dalaga ang kanyang talino sa pag-aaral na nagtapos nga ng senior high school na “with honors” sa Ungos Integrated National High School sa Real, Quezon kung saan kasalukuyang naninirahan ang TikTok star.

AUTHOR PROFILE