Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

August 19, 2023 People's Tonight 359 views

Mula sa pagiging modelo ng Philmoda Entertainment Production, unti-unting nakilala ng netizens ang social media influencer na si Angeli Khang sa pagiging sexy actress na may ibubuga sa larangan ng pag-arte.

Half-Korean, half-Pinay ang 22-year-old VMX Crush na ito na unang sumabak sa daring roles sa pelikulang “Taya.”

Nasundan ang film debut ni Angeli ng ilan pang mapangahas na pagganap sa Vivamax movies tulad ng Girl Friday, Eva, Virgin Forest, atbp.

Bukod sa paglabas sa mga pelikula, aktibo rin si Angeli sa pagbibigay ng update sa kanyang supporters sa socmed, partikular sa TikTok kung saan mahigit kalahating million na ang kanyang followers.

AUTHOR PROFILE