Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

August 18, 2023 People's Tonight 270 views

NAGSIMULA bilang model at kontesera ang ngayo’y social media influencer/sexy actress na si Jela Cuenca.

Sa edad na 25, isa siya sa mga itinuturing na VMX Crush kasama sina AJ Raval at Angeli Khang.

Tubong Negros Oriental si Jela na may libu-libong followers sa TikTok at iba pang social media platforms.

Taliwas sa kanyang public image, konserbatibo pinalaki ang dalaga kaya naman kapag may offensive o bastos na fans online, hindi siya nakikipagbardagulan sa mga ito kundi bina-block na lamang niya nang tuluyan.

Kabilang sa mga naging proyekto ni Jela sa showbiz ay ang Taya, Island of Desire, Silip sa Apoy, Palitan, Boy Bastos at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE