Default Thumbnail

Tigil-pasada palpak, wa epek sa Maynila

October 16, 2023 Jonjon Reyes 225 views

MAITUTURING na palpak at walang epekto sa Maynila ang ginanap na tigil-pasada noong Lunes dahil tuluy-tuloy naman ang biyahe ng ilang pampasaherong jeep at maluwag ang daloy ng trapiko.

Ayon sa Manila Police District, wala namang na-stranded na mga pasahero.

Iginiit ng grupo na promotor sa tigil-pasada na hinihikayat lamang nila ang kapwa tsuper ng jeep na makisama sa ikinasa nilang tigil pasada kasabay ng pagtanggi na hinaharang nila ang biyahe ng ibang jeepney drivers.

Ayon kay Mar Valbuena, presidente ng grupong Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers (Manibela), desisyon na ng mga tsuper at operator kung makikiisa sila gayong para sa kapakanan naman ng lahat ng bumibiyahe ng tradisyunal na jeepney ang kanilang ginagawa.

Binigyan-diin din ni Valbuena na hindi nila pinupwersa ang mga tsuper na sumama sa kilos protesta dahil kusang loob silang nakiisa para marinig ang kanilang panawagan.

Matatandan na inirereklamo ng Manibela ang pagbibigay sa kanilang ng notice na hanggang December 2023 na lamang sila maaaring mag-operate.

Kahit ramdam ng MPD na palpak ang tigil pasada, bantay sarado ng mga pulis ang bahagi ng Mendiola noong Lunes kaugnay sa isinasagawang transport strike.

Ayon sa tagapag-salita ng MPD na si Police Major Philipp Ines, tutulak ang grupo ng Manibela para magsagawa ng kilos protesta na magmumula sa University of the Philippines-Diliman.

AUTHOR PROFILE