Threesome
HINDI triple threat kundi “triple treat” ang atake ng Vivamax actress na si Zsara Laxamana at kanyang mga kaibigang sina Aki Mitu at Joy Basa.
SA Instagram page nga ng sexy star, nag-uumapaw ang pasabog na kaseksihan ng tatlo sa larawang ibinahagi niya.
“With my sexy girls,” sey ni Zsara sa caption ng kanyang post.
Kahit nga lubog na ang araw sa gabi, may dala-dala pa ring pampatirik na alindog ang mga kababaihan sa larawan na siyang nagpapakulo sa libido ng mga barakong laging nakaabang sa kanila.
Makalaglag-panga ang ganda ng pigura ng tatlo. Talagang umangat ang kani-kanilang hubog sa suot na mga two-piece bikini habang nakalublob sa swimming pool.
Kahit na sinong nasa opposite sex na kanilang tagasubaybay ay titirik ang mga mata sa perpektong kurba ng katawan at makinis na balat nina Zsara, Aki, at Joy.
Perpektong pang-breakfast, lunch, at dinner ang mga bebot. Isa pa ngang netizen ang napa-“Mmmmm so delicious” sa larawan.
Bakas na bakas sa kanyang comment section ang pagpapakulo ng mga Eba, ang mga kalahi kasi ni Adan sinabugan ng hearts at fire emojis ang post.
Ilan nang proyekto ang naitampok si Zsara, kabilang na rito ang Sugar Baby (2023), Salisihan (2024) at Dearly Beloved (2024).