Shiela Larawan mula sa IG/Sheila Snow

Therapy ng mga lalaki

May 29, 2024 People's Tonight 101 views

PINAKILIG ng Vivamax actress na si Sheila Snow ang kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng mga sandatang meron siya: pampatakam na katawan at pampakilig na mga salita.

“Take a break, let the nature be your therapist,” caption ng kanyang IG post nang magtungo siya sa Palawan.

Therapy na nga ng mga tambay sa kanyang social media accounts ang ganda niya. Bitamina na para sa kanila ang karisma ng sexy star kahit saan pa ito magtungo basta ang pasalubong niya sa kanila, bikini photos.

Maalat man ang dagat kung nasaan si Sheila, matamis naman ang ngiti ng mga kalalakihan dahil sa naglalakihan niyang mga bundok.

Nag-enjoy nga ang Vivamax actress sa isang resort sa Palawan, habang ang mga barako enjoy sa view ng kanyang “pakwan.”

“You can break me,” hirit ng isang netizen.

“For sure,” sagot naman ng sexy star.

Bumulwak ang heart at fire emojis sa comment section ni Sheila. Damang-dama nila ang dalang init ng kanyang sex appeal.

Narito pa ang ilang komento ng netizens para kay Sheila: “Wala na finish na”, “‘Pag mga ganyan talaga suot mo nai-inlove ako lalo”, “You’ve been on my mind a lot lately”, “Looks like paradise”, at “Absolutely stunning, my ultimate crush.”

Nakilala ang nasabing Vivamax actress sa kanyang mga pagganap sa ilang palabas kabilang na ang Pabuya, Lawa, Hilom, at Ligaw na Bulaklak.

AUTHOR PROFILE