TWBU

‘The World Between Us,’ unang Pinoy series sa Amazon Freevee

June 25, 2022 Ian F. Fariñas 112 views

Isang panibagong milestone na naman ang nakuha ng GMA primetime series na The World Between Us dahil maaari na itong i-stream sa Amazon Freevee.
Mapapanood na sa wakas ng Kapuso viewers sa US ang serye na pinagbibidahan nina Alden Richards bilang Louie, Jasmine Curtis-Smith bilang Lia at Tom Rodriguez bilang Brian.
Ang Amazon Freevee ay isang streaming video service na mayroong libong premium movies at TV shows na maaari mapanood nang libre.

Ruru

‘Lolong,’ inaabangan

Marami nang naiintriga at nag-aabang sa bagong serye na Lolong na mapapanood sa GMA-7 simula sa Hulyo 4.

Usap-usapan ang inilabas nitong full trailer kung saan makikita ang pagiging action hero ni Ruru Madrid na may green eyes at self-healing ability o kakayahang pagalingin ang sarili.

May patikim din ang Kapuso actor sa kanyang intense fight scenes.

Hinangaan din ang effects at cinematography na tiyak hindi papalampasin ng Kapuso viewers.

Inaabangan na rin ang mga eksena ni Ruru kasama ang kanyang dalawang leading ladies na sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

Makakasama rin nila sa serye sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Rochelle Pangilinan, Marco Alcaraz, Mikoy Morales, DJ Durano, Paul Salas, Ian de Leon at marami pang iba.

Tiyak na tututukan ang Lolong simula sa Hulyo 4 sa GMA Telebabad.

Beauty, hanga kina Ariel at Sid

Feeling blessed si Beauty Gonzalez na makatrabaho ang award-winning actors na sina Ariel Rivera at Sid Lucero sa GMA Afternoon Prime series na The Fake Life.

Sa #KPRGAsks video sa Kapuso PR Girl Facebook account, inamin ni Beauty na talagang hanga siya sa pag-arte ni Ariel gayundin ang mahusay na pagganap ni Sid sa kanyang karakter.

Tiyak daw na maraming madudurog ang puso, maiinis sa mga eksena at mapapamahal sa kwento ng kanilang serye.

Mapapanood ang The Fake Life mula Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

AUTHOR PROFILE