Sabrina

The secret love affair of Sabrina M with a famous actor

October 16, 2021 Aster Amoyo 259 views

HINDI ikinakaila ng dating sexy star na si Sabrina M. (Karen Salas Pallasigue in real life) na sobra umano siyang na-trauma nang siya’y makulong dahil sa droga nung September 2016 at nakalaya two years later nung September 2018.

In our recent and exclusive interview with the former sexy star, inamin nito na nung gabi na siya’y hinuli at ikinulong ay gusto na umano niyang wakasan ang kanyang buhay. Pero bigla umano niyang naalaala na meron siyang tatlong anak na umaasa sa kanya. Since nakalaya na siya, ayaw na niyang balikan ang totoo at malalim na kuwento ng kanyang pagkakahuli.

Hindi ikinakaila ni Sabrina M na gumamit siya ng droga noong araw pero matagal na niya itong itinigil at hindi rin umano siya nagtulak tulad ng inakusa sa kanya. Isa umano itong nightmare na dumating sa kanyang buhay. Pero sa kabila ng lahat, nagpapasalamat siya sa Diyos na nakalaya na siya at kasama niyang muli ang kanyang tatlong anak na sina Matthew (18) na anak niya sa isang military official habang ang dalawa niyang anak na babae na sina Karen (15) at Ashley (13) at anak naman niya sa ibang guy.

When she got imprisoned, ang kanyang tatlong anak ay napunta sa poder ng kanilang mga ama. Her eldest son was not allowed by his father to visit her in prison habang ang dalawa naman niyang anak na babae ay dumalaw lamang sa kanya sa kanyang birthday, Christmas at New Year’s Day.

“Sobra ang sakit sa pakiramdam. Gabi-gabi ay sila ang laman ng isip ko pero hindi ko sila makausap at mayakap dahil bawal ang cellphone sa loob ng kulungan,” pagbabalik-tanaw ni Sabrina M.

“Minsan, nakiki-text ako sa mga dalaw ng iba kong mga kasamahan para lamang iparating ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal,” kuwento pa ng aktres na hindi napigilan ang maiyak.

Ang mga kapatid ni Sabrina M. ang nag-provide sa kanya ng abogado hanggang sa tuluyan na siyang makalaya.

“Marami akong natutunan habang nasa loob ako ng kulungan. Bukod sa pagdarasal, doon ko lahat pinagsisihan ang mga naging kasalanan at mga pagkakamali ko sa buhay,” aniya.

Ang kanyang panganay na anak na si Matthew ang sumundo sa kanya sa kulungan. Sinorpresa naman nila ang dalawa niyang anak na babae na sina Karen at Ashley sa kanyang paglaya.

“Mahigpit na yakap at halik at iyak ang una kong pasalubong sa mga anak ko nang una ko silang makita sa aking paglaya. Halos hindi ko sila mabitawan sa sobrang pagka-miss ko sa kanila,” salaysay pa ni Sabrina M.

Thankful ang dating sexy star na lumaking mababait at responsible ang kanyang mga anak at seryoso sa pag-aaral. Never rin umano siya sinumbatan ng kanyang mga anak dahil sa nangyari sa kanya.

Rico yan Ipinagtapat din niya sa amin na nung nabubuhay pa ang Kapamilya actor na si Rico Yan ay dalawang taon umano tumagal ang kanilang relasyon. Ito `yung wala na sila ng ex-girlfriend niyang si Claudine Barretto. Pero napanatili umano nila itong lihim sa publiko dahil may career na pinangangalagaan si Rico na nasa pangangalaga noon ng Star Magic (dating Star Circle) ng ABS-CBN habang siya naman ay nasa peak noon ng kanyang career bilang sexy star. Dumalo rin umano siya sa wake at libing ni Rico at lihim na tumangis sa namayapang kasintahan. Up to his death ay never na nagsalita si Sabrina M.

It’s been over three years now magmula nang makalaya si Sabrina M. Umaasa ang aktres na sana’y muli siyang mabigyan ng pagkakataon na makabalik sa showbiz at maging aktibong muli sa larangan ng pag-arte.

Samantala, si Sabrina M. ay nanalo ng special award as Miss Photogenic nang siya’y sumali sa Mutya ng Pilipinas in 1993 kung saan niya kapanabayan ang beauty queen-turned actress na si Michelle Aldana na siyang nanalo at that time. She did “Kidlat ng Maynila: Joe Pring 2” in 1991 na pinagbidahan ni Phillip Salvador kasama sina Edu Manzano, Aurora Sevilla at Monsour del Rosario mula sa direksyon ni Augusto `Ogie’ Salvador. Napasama din siya sa dalawang pelikula ng movie king na si Fernando Poe, Jr. bago siya sumali ng Mutya ng Pilipinas.

AlwynJennica at Alwyn may posibilidad magkabalikan

MUKHANG malaki ang posibilidad na magkabalikan ang nagkahiwalay na mag-asawang Jennica Garcia (31) at Alwyn Uytingco (33) at mabuong muli ang kanilang nabuwag na pagsasama kasama ang dalawa nilang anak na sina Athena Mori at Alessi.

Inamin ng panganay ng singer-actress na si Jean Garcia na nag-uusap silang muli ni Alwyn para mabuong muli ang kanilang pamilya.

Kung matatandaan pa, it was nung nakaraang May nang kumpirmahin ni Jennica ang kanilang break-up ng kanyang husband na si Alwyn.

Sina Jennica at Alwyn ay sikretong nagpakasal nung February 12, 2014 sa Victory church in Greenhills, San Juan na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends.

AlbertAlbert wala pang kapalit si Liezl

SA edad na 60 ay napananatili ng veteran actor na si Albert Martinez ang kanyang batang look at pangangatawan sa kabila ng kanyang white hair at pagiging grandpa ng kanyang tatlong apo mula sa kanyang tatlong mga anak na sina Alyanna, Alfonso at Alissa.

Kahit mahigit anim na taon at pitong buwan na siyang biyudo sa kanyang misis na si Liezl Sumilang-Martinez na sumakabilang-buhay nung March 14, 2015 dahil sa kanser, wala pa ring balak ang actor na palitan sa kanyang puso ang nawalang misis. Bukod sa kanyang trabaho bilang actor, mas ini-enjoy ng actor ang kanyang mga apo although ang isa sa kanila ay nasa Amerika, ang kanyang panganay na apo na si Adalyn Riley sa panganay niyang anak na si Alyanna at mister nitong si Roy Macam na isinilang sa Amerika nung January 19, 2018. Nung December 2020 naman ay isinilang ang first baby ng bunsong anak ni Albert na si Alissa Martinez sa mister nitong si Paulus Reyes na si Amati Mari. Boy din ang unang supling ng engaged couple na sina Alfonso Martinez at fiancée nitong si Micaela Hann..

Ayon sa veteran actor, masayang-masaya na umano siya sa kanyang mga apo pero kapag dumating ang panahon na muli siyang iibig muli ay malalaman umano ito ng publiko.

MichaelaAng pakaka-link ay Albert ng isa sa co-stars niya sa kanyang bagong serye sa GMA, ang “Las Hermanas” na si Faith da Silva ay ipinagkibit-balikat lamang niya dahil hindi na umano ito bago sa showbiz. But he has always been supportive to his co stars laluna sa mga baguhan at kasama na rito si Faith na nabigyan lamang umano ng ibang kahulugan.

Ang 20-year-old na si Faith de Silva (anak ng dating actor na nakakulong ngayon na si Dennis da Silva) ay isa sa contract talents ngayon ng GMA.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE