Snooky

The love story of Snooky and Mon

January 20, 2022 Aster Amoyo 1135 views

Snooky1Snooky2KUNG nanaisin ng bagong partner ng dating child superstar na si Snooky Serna (Maria Milagros Sumayao Serna) na si Ramon `Mon Villarama na isang successful businessman, educator at politician na pakasalan ang aktres ay walang magiging balakid. Bukod sa annulled na ang kasal ng aktres sa kanyang ex-husband at ama ng kanilang dalawang anak, ang actor na si Ricardo Cepeda ay puwede. Mon himself is single kahit meron siyang two grown up sons (sa magkaibang babae) na parehong nasa Amerika pero never pa itong ikinasal kahit kanino.

Mon admitted to us na naging torpe umano siya noon sa pagsasabi ng kanyang tunay na nararamdaman kay Snooky nung una silang magkakilala in 1987 at naging close na magkaibigan until 1992, taon na ikinasal ang aktres sa actor na si Ricardo Cepeda.

Snooky was at the height of her popularity when Mon asked their common friend, the late movie producer na si Natalie Palanca na ipakilala siya sa aktres. Ang dalawa ay nagtungo sa taping noon ng dating weekly drama anthology ni Snooky, ang “Regal Presents…Snooky” na may dala-dalang bulaklak. Iyon ang naging simula ng kanilang pagiging close na magkaibigan. Naging laman din ang dalawa ng entertainment news at maging ang mga entertainment writers and reporters ay inakalang sila na. Pero sa kabila ng pagiging close at madalas na magkasama, never umano siya (Mon) nag-profess ng kanyang pagmamahal at nararamdaman sa aktres. Kaya inakala ni Snooky na mag-BFF lamang sila kaya nag-entertain umano siya ng ibang manliligaw. At dito pumasok ang kanyang ex-husband na ngayon na si Ricardo. Pero pagkalipas ng 16 na taon at dalawang anak (na sina Samantha at Sachi) ay nauwi sila sa hiwalayan in 2006.

Personal na namin sa amin ni Mon na sobra umano siyang nasaktan kaya siya na umano ang kusang lumayo at never na nakipagkita o nakaipag-communicate sa actress.

“Actually, may lakad dapat kami ni Snooky nung araw na `yon pero siya’y na-hospital due to over fatigue kaya dinalaw ko siya sa hospital. Pero laking gulat ko na may bisita siya nu’n (Ricardo) kaya umalis na lang ako. Later on, nabalitaan ko na lamang na engaged na sila and eventually got married,” kuwento ni Mon.

Ang eksenang `yun sa pagamutan ang naging huling pagkikita nina Mon at Snooky pero pagkaraan ng 30 years ay muli silang pinagtagpo ng tadhana kung kelan ay libreng-libre na ang aktres.

Magpipitong-taon na rin ang relasyon ngayon nina Mon at Snooky pero hanggang ngayon ay marami pa rin ang naghihintay kung ito’y mauuwi sa kasalan.

Panoorin ang aming exclusive interview kina Snooky at Dr. Mon Villarama sa aming online show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel ngayong 12 nang tanghali.

SharmaineSharmaine from traumatic to happy life

BAKIT bihira nang mapanood sa telebisyon at pelikula ang premyadong aktres at dating miyembro ng youth-oriented program na “That’s Entertainment-turned veterinarian na si Sharmaine Arnaiz?

In our recent interview with the actress, inamin nito na hindi pa umano siya handa sa mahabaang lock-in tapings na inaabot ng buwan o mahigit pa.

“I have my family – my husband and my kids to consider. Ayokong mapawalay sa kanila nang matagal,” pahayag ng Filipino-Indian actress.

“Pero kung sandalian lamang okey lang sa akin,” aniya.

Si Sharmaine and her younger sister, ang US based actress na si Bunny Paras ay may Filipino mother at Indian father na rito na sa Pilipinas ipinanganak at lumaki kaya na-adapt nito ang Filipino culture at pagiging katoliko.

The actress was still very young ay sobra na umano siyang avid fan noon ng basketball icon at dating senador na si Robert `Bobby’ Jaworski. Kaya parati umano siyang nanonood sa mga laro noon ni Jaworski and there were even times na nakikita siya sa camera at telebisyon. Meron din umano siyang slum book na lahat pictures and clippings ng kanyang paboritong basketball player ang laman.

Ang dating entertainment writer-host at talent manager na si Nap Gutierrez umano ang naka-discover sa kanya and she was brought to Viva Films. Since Sharmila Velasco Pribdhas ang kanyang real name, ginawa itong Sharmaine Arnaiz. Isinunod ang kanyang screen family name sa isa pang sikat na basketball player noon na si Francis Arnaiz at nang pumasok rin ng showbiz ang kanyang younger sister na si Bunny ay ginawa itong Bunny Paras na ang screen family name ay hango rin sa sikat na basketball player noon-turned actor-comedian na si Benjie Paras.

Sharmaine was barely three years old at months old pa lamang si Bunny nang magkahiwalay ang kanilang parents at sila’y parehong kinuha ng kanilang ina. Since their mom was already a single mom, she needs to earn a living kaya nagnenego-negosyo siya noon at gumagawa ng mga pagkakakitaan. She was already eight or nine years old ay meron umanong Iranian businessman na madalas sa kanila at nagdadala ng mga paninda. Isang araw, wala umano ang kanyang ina at natutulog si Sharmaine ay kamuntik umano siyang ma-rape ng nasabing Iranian national na kumaripas ng takbo nang siya’y magising. Nagsumbong siya sa kanyang ina at sa kanyang maternal grandparents kaya ang mga ito ang nag-alaga sa kanila ni Bunny habang nasa trabaho ang kanilang ina. There was also an attempt na molestiyahin siya ng isang pari pero hindi umano ito nagtagumpay.

At a very young age ay maraming traumatic experiences ang pinagdaanan ni Sharmaine na nagsimula nang magkahiwalay ang parents nila ni Bunny. Pero sa kabila ng mga nangyari, hindi ito nauwi sa depression at sa halip ay nagsumikap si Sharmaine maging ang younger sister niyang si Bunny para mapabuti ang kanilang buhay.

Nang pumasok si Sharmaine sa showbiz in 1988, siya’y naging bahagi ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” hosted and line-produced by the late star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno for GMA. Over at “That’s Entertainment” ay sandalling naging boyfriend noon ng aktres si Romnick Sarmenta na ikinagalit sa kanya ng fans nina Sheryl Cruz at Romnick. Mula sa Wednesday group kung saan kasama ni Sharmaine sina Sheryl at Romnick ay inilipat siya sa Friday group until she left the program in 1993 para harapin ang pagiging in-demand na aktres. Naging contract star siya ng Seiko Films. Pero ang Reyna Films ang nakapagbigay sa kanya ng tatlong Best Supporting trophies in 1994 para sa pelikulang “Saan Ka Man Naroroon” na pinagbidahan ng magkasintahan pa noong sina Richard Gomez at Dawn Zulueta na dinirek ni Carlitos Siguion-Reyna. Three years later ay siya ang naging pangunahing bituin ng award-winning movie na “Milagros” na dinirek ng namayapang premyadong director na si Marilou Diaz-Abaya nung 1997.

Bago nag-asawa, naging nobyo rin noon ni Sharmaine ang actor-chef na si Victor Neri.

Inabot man ng mahabang panahon ang kanyang pag-aaral ng veterinary medicine ay tinapos niya ito pero siya’y underboard pa kaya hindi niya ito ma-practice except sa mga alaga nilang pets sa bahay.

Charmaine is happily married sa kanyang non-showbiz husband na si Ernesto `Che’ Ochoa, a distant relative ng actor na si Dominic Ochoa at sila’y nabiyayaan ng tatlong anak na sina Gab (17), Miguel (14) at almost 13-year-old na si Amisha Nathalia.

Looking forward din si Sharmaine and her family sa kanilang paglipat sa kanilang ipinatatayong bahay.

Ang magkapaatid na Sharmaine at Bunny ay first cousins ng magkapatid na Cheska at Patrick Garcia dahil magkapatid ang kanilang moms.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE