Juans

The Juans, sasabak sa Araneta

July 2, 2022 Ian F. Fariñas 247 views

ILANG araw matapos ianunsiyo ang pag-alis ng drummer nilang si Joshua Coronel, ibinalita naman ng Pinoy pop rock band na The Juans ang pagkakaroon ng first major concert sa Araneta Coliseum sa October 23.

Sa mediacon ng Viva Records at Wish 107.5 FM bago ang fan event na Juanite sa SM North EDSA Skydome, sinabi ng lead vocalist at keyboardist na si Carl Guevarra na hindi man nila makakasamang tumugtog sa gabing iyon, eh, malaking bahagi pa rin si Josh ng career milestone na ito ng grupo.

“He’s very much a part of this. Kasama siya sa pangarap na ’yon. Doors are open for Josh because once a Juan, will always be a Juan,” paliwanag ni Carl.

Muling nilinaw ng The Juans na walang bad blood sa pagitan nila at ng dating drummer. Katunayan, nagkikita pa rin sila at may constant communication sa isa’t isa.

Kasing excited nga raw ng grupo si Josh sa nalalapit na Araneta concert dahil August 2021 pa nila ito pinagpaplanuhan.

Patuloy pa ni Carl, “Bilang isang pamilya, isa sa values namin ay pahalagahan ang priorities ng bawat isa. And in our case, as we all know, si Joshua po ay meron nang asawa, meron nang baby (girl). Of course, you know, as you enter a new phase in your life, having a family, it’s a major game changer, ’di ho ba?

“And minsan, hindi maiwasan may mga decision making talaga na kailangan naming respetuhin. And for us, we can boldly tell all of you that when we released Josh, it was because we value his priorities in the same way that Josh values our priorities. And so when Josh was leaving the group, malugod po naming tinanggap at sinuportahan na kung siya ay magpo-focus sa kanyang pamilya, masaya kami para sa kanya.

“For us, the story will go on. Sabi nga po nila, ’di ba, sa showbiz, the show must go on. I believe that the purpose and the vision of the group is more important to us than being able to stick to our narrative na ‘ah, sila ’yung nagsimula, sila hanggang dulo.’ I feel like that the purpose is paramount to us. So mangyari man na apat na lang kami, we will have to get in more people, welcome more people into our family, we’re willing to do that. Kasi po, kami ay nag-grow as artists na ang pina-prioritize namin ay ’yung mensahe at ’yung purpose ng grupo more than personalities. So names will fade, faces will fade away but hopefully, the story and the vision of this group will remain years and years after us.”

Ang Araneta concert ng The Juans ay may hint ng film at musical theater kung saan nagmula si Carl. Hindi lang daw ito magiging concert of songs kundi may kahalo ring “beautiful visuals, beautiful set at creative expression of songs.”

Excited nga raw si Carl at ang iba pang miyembro ng The Juans na sina Japs Mendoza (lead guitarist), Chael Adriano (bassist) at RJ Cruz (guitarist) dahil gusto nilang bigyan ng kakaiba at bagong expression ang kanilang mga kanta kasama ang mga sessionista na hahalili kay Josh.

“It’s really an exciting new chapter po,” diin pa ni Carl.

AUTHOR PROFILE