Jodi

‘The Broken Marriage Vow,’ wagi sa 2022 ContentAsia Awards

August 30, 2022 Ian F. Fariñas 145 views

Panalo ang hit series ng ABS-CBN na The Broken Marriage Vow bilang Best TV Format Adaptation (Scripted) in Asia sa prestihiyosong 2022 ContentAsia Awards.

Anang bida na si Jodi Sta. Maria, na personal na tinanggap ang parangal kasama ang supervising producer na si Kylie Manalo-Balagtas sa Bangkok, Thailand, “Nakakatuwa kasi kung iisipin mo, panalo ito ng lahat, ‘yung buong team na pinangunahan ng aming direktors na sina Connie Macatuno and Andoy Ranay.”

Kinilala rin ni Jodi ang husay ng kanyang co-stars sa serye na nagpakitang-gilas upang magtagumpay ang The Broken Marriage Vow.

Sabi ng aktres, “It really takes a village to produce such an amazing series.”

Dagdag pa ni Jodi, “It’s really about showcasing Filipino talent sa buong Asya.”

Maraming viewers ang nabighani sa kwento ng The Broken Marriage Vow, kaya naman naging pinakapinanood na Asian drama ito sa Viu Philippines.

Lagi rin itong pinag-uusapan sa social media at nagkaroon pa ng spoof videos ang ilan sa mga hindi malilimutang eksena sa teleserye.

Matagumpay din ang digital concert noong Abril ng Filipino remake ng Doctor Foster tampok ang performances ng mga singer na umawit ng mga kanta na kabilang sa official soundtrack ng The Broken Marriage Vow.

AUTHOR PROFILE