Kathniel

Thai tour guide, bilib sa pagpapahalaga ng KathNiel sa mga elepante

May 31, 2022 Vinia Vivar 473 views

“Team Good Souls” ang bansag ng komedyanang si Alora Sasam sa reel/real-life loveteam na sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

Bilang pagdiriwang ng kanilang 10th anniversary ay nagpunta ng Thailand ang KathNiel at kasama nila si Alora sa nasabing bakasyon.

Sa mahabang Instagram post niya ay ibinahagi ni Alora ang mga nakita’t na-experience niyang kabaitan ng showbiz couple.

Abut-abot din ang pasasalamat niya sa dalawa dahil ngayon lang daw siya nakarating sa Thailand.

“Team Good Souls,” simula ni Alora patungkol sa KathNiel.

“Nasabi ko na gusto kong sabihin sa letter. Dagdagan ko na lang ng daghang salamat at pasensya. Daghang salamat kaayo sa Thailand experience. First time ko sa Thailand at di ko akalain si Mami ang makakasama ko at lalo naman ang Kathniel!” pagbabahagi ng komedyana.

Pagkatapos nito ay humingi siya ng dispensa sa KathNiel dahil nga ang feeling niya ay istorbo siya sa dalawa. Pero bumawi naman siya sa mga kuha niyang picture.

“Pasensya na sa storbo sa trip niyo. May mga bagay na di natin inaasahan. Hiyang-hiya ako pero sana nakabawi ako sa mga photos niyo. Ok lang kung ayaw niyo muna akong makita,” aniya.

Kwento pa ni Alora, na-witness ng tour guide nilang si Beer ang mga lambingan ng KathNiel.

“Chika ko na lang din ano sinabi ni Beer sa akin habang pinagmamasdan kayo magka-holding hands at binibiro ni Dj si Kath na uwi siya sa hotel at matutulog habang lambing na sisimangot si Kath sabay sabing “Sige Daniel…’”

Hindi rin daw akalain ni Beer na superstars ang KathNiel sa Pilipinas dahil napaka-normal ng magkasintahan. Hanga-hanga raw ang tour guide sa pagka-down-to-earth ng dalawa.

“Hindi raw makapaniwala si Beer na superstars kayo sa ’Pinas. Napaka-normal niyo daw. Sabi ko yes, very down to earth. Hindi siya makapaniwala na ang mga pasahero niya ay napakasikat na loveteam sa Pinas pero nakikipagbiruan sa kanya.

“Gulat siya na bigla kayong bibili ng pagkain o buko juice sa gilid ng kalsada. Bumilib siya dahil isinabay siya kumain sa hapagkainan at may pa take-out pa damay ang jowa niya,” tsika ni Alora.

Bumilib din daw si Beer sa pagpapahalaga ng magkasintahan sa mga hayop. Ayaw daw ni Daniel na mahirapan ang mga elephant kaya madalian ang pagkuha nila ng pictures.

“Na-amaze siya gaano niyo pinahahalagahan ang elephants. Dagdag ko nga dapat mabilis lang ang kilos pagkuha ng pics kasi ayaw ni DJ na mahirapan ang elephants. Na ang sarap pakinggan ng mga kwento at paglalahad niyo ng pagmamahal sa kalikasan. Mga huwarang anak talaga kayo ni Min at Karla,” papuri ni Allora sa KathNiel.

“For sure nagulat na naman yun si Beer dahil paghatid niya sa atin sa airport, walang pagdadalawang-isip na niyakap niyo siya.

“Proud akong tayo ang first Filipino clients niya at maganda ang unang opinyon niya sa atin mga Pinoy. Pero mas proud ako na may mabuting pagkatao ang napili kong mga kaibigan.

“Uulitin ko, mahal ko kayong dalawa. Happy 10th.

“Nagmamahal, Alorskieee ang pinapauwing third wheel sorry na,” ang huling bahagi ng post ni Alora.

AUTHOR PROFILE