Default Thumbnail

‘TF Sagip’ ng militar, pinakilos na

June 12, 2023 Zaida I. Delos Reyes 125 views

Sa gitna ng pag-aalburuto ng Mayon

PINAKILOS na rin ng Philippine Army (PA) ang kanilang “Task Force (TF) Sagip” ng 9th Infantry Division (ID) sa Camarines Sur upang tumulong sa humanitarian assistance and disaster relief o HADR operation kasunod ng tuloy-tuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon sa Albay.

Sinabi ni Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad, sa pamamagitan ng TF Sagip ay lalo pang mapapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong residente dahil direkta itong makikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.

“TF Sagip, which is geared towards possible HADR operations, has coordinated with the Office of Civil Defense (OCD) 5, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, and local government agencies in Albay and nearby provinces which might be affected by the ongoing magmatic eruption of Mayon Volcano,” pahayag ni Xerxes.

Patuloy din aniya ang 9th Civili Miltary Operations Battalion ng 9th Infantry Division (ID) sa pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang sector kasama ang 504th Community Defense Center at 5th Regional Community Defense Group para sa posibilidad na pagde-deploy ng puwersa sa mga apektadong lugar.

“Moreover, the 903rd Infantry Brigade, which covers the provinces of the 2nd District of Albay, Sorsogon and Masbate, mustered its Emergency Response Team while the 31st Infantry Battalion, 9th Infantry Division started to facilitate the mandatory evacuation of residents within the six to eight-kilometer radius danger zone,” paliwanag ni Trinidad.

Pinuri naman ng pamunuan ng PA ang HADR preparation ng 9th ID upang matiyak na ligtas ang lahat ng mga Bicolanos sa paga-alburuto ng bulkan.