Toby

TF ni Andrew E sa Alyansa sorties, sakto lang — Rep. Toby

February 25, 2025 Ian F. Fariñas 178 views

AndrewAGREE si Navotas (lone district) Rep. Toby Tiangco, campaign manager ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas, na may advantage talaga ang showbiz celebrities na tumatakbong senador sa halalan sa Mayo.

Sa pakikipag-usap sa showbiz press kamakailan, sinabi niya na ang klarong edge ng mga ito ay kilala na sila ng mga tao kaya napakataas ng kanilang name recall.

“Siyempre ‘pag ikaw ay personality, siyempre madali kang makilala ng mga tao. In fairness, lahat naman ng mga kandidato namin ang sipag talaga lahat,” panimula niya.

Ang ilan sa mga may showbiz background sa Alyansa sina Sen. Bong Revilla, Tito Sotto, Lito Lapid, Imee Marcos, Camille Villar, Erwin Tulfo at Manny Pacquiao, na naging laman ng memes lately.

Ani Rep. Toby, simple lang ang stand niya sa mga isyung gaya nito: “Ignore.”

Paliwanag niya, “Ang akin, ano ‘yung nagawa n’yo, ang importante lang masabi kung ano ’yung nagawa n’yo nu’ng kayo ay nanunungkulan para mas kapani-paniwala ‘yung kaya mo pang gawin.

Para sa akin, kung anuman ’yung mga ganu’n, meme, hindi dapat ma-distract, eh. Because the most important thing for each and every Filipino is ano ang maitutulong mo para mapaganda ang buhay natin? So, kung anuman ‘yung mga banat sa kanila, kung ako, I will just ignore. Kasi ‘yun ang… binabanatan ka to distract you, ‘di ba? Kung ikaw pumatol du’n, ‘yung pagpatol mo du’n wala namang maitutulong sa’yo du’n. So dapat ‘di ma-distract.”

Pantay-pantay din daw ang trato nila sa lahat ng senatoriables, mapa-artista man, kilala o hindi.

“We treat all candidates equally, ‘di ba? Sa speeches nila, lahat sila cooperative ’pag sinabing five minutes lang, ha?”

Wala rin umanong selosan sa kanilang pag-iikot dahil lahat sila ay nagkakaroon ng tsansang magsalita’t makisalamuha sa mga botante.

“Lahat sila we treat them equally pati sa airtime,” diin pa ng Alyansa campaign chief.

“Hindi ko sila nasasabihan, ako ang utusan nila. I’m here to serve all of them para mas madali ‘yung kampanya, maayos ‘yung scheduling, maayos ’yung ano nila, pag-ikot nila, ‘yun ang trabaho ko,” dagdag pa niya.

Pagdating sa sorties, si Rep. Toby din ang nakipag-usap kay Andrew E bilang main performer ng Alyansa.

“Kinuha namin siya for all sorties,” pahayag niya. “Du’n siya sa Uniteam dati. So, ’yun, since medyo ‘yung buong kampanya ang pinag-uusapan so ako ‘yung nakipag-usap sa kanya. But the other artists, hindi na ako.”

Nang tanungin kung mahal ba ang talent fee ni Andrew E, sagot ni Rep. Toby, “Sakto lang. Twenty-one shows up to a maximum of 35.”

AUTHOR PROFILE