Teves

Teves hindi iimbitahan sa SONA—House SecGen

July 10, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 282 views

HINDI umano iimbitahin ng Kamara si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gaganapin sa Hulyo 24.

Sa panayam kay House Secretary General Reginald Velasco iginiit nito na suspendido pa si Teves kaya wala pa itong mga prebilihiyo na nakukuha ng isang kongresista.

Aniya sa Hulyo 30 pa matatapos ang 60-araw na suspensyon ni Teves na nag-ugat sa kanyang hindi pag-uwi sa Pilipinas kahit na expired na ang travel authority na ibinigay sa kanya ng Kamara.

Nauna ng nagpahayag ng interes si Teves na dumalo sa SONA sa pamamagitan ng Zoom.

Patuloy naman ang isinasagawang paghahanda ng Kamara para sa SONA.

AUTHOR PROFILE