Tesdaman karapat-dapat makabalik sa Senado

February 9, 2022 Edd Reyes 112 views

INENDORSO ni Vice Presidential candidate at Davao City Mayor at Presidential daughter Inday Sara ang kandidatura ni re-electionist Senator Joel “Tesdaman” Villanueva sa kabila ng hindi niya pagkakasama sa senatorial line-up ng kanilang tambalan ni dating Senador Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon kay Duterte bagamat hindi nakasama si Villanueva sa kanilang senatorial line-up ng kanilang tambalan ni Bongbong Marcos ay kanya pa ring sinusuportahan ang Tesdaman dahil ito ay isa sa kanyang mga kaibigan.

“ Meron din akong mga kaibigan na tumatakbong senador na kahit may politika man o wala ay magiging kabigan ko pa rin sila tulad ni Joel Villanueva,” ani Mayor Sara sa kanyang pagsasalita sa kickoff rally ng UniTeam.

Sinabi pa ni Inday Sara na bukod sa pagiging magkaibigan ay naniniwala siya sa kakayahan ni Villanueva kaya’t karapat-dapat lang ng makabalik sa Senado dahil na din sa kanyang nagawa.

Nagpasalamat naman si Villanueva sa suporta at tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Mayor Sara at sinabing malaking tulong sa kanyang kandidatura ang pag-endoso sa kanya ng anak ng Pangulo na kaibigan niya, pati ang pamilya, may eleksyon man o wala.

Nauna rito’y nagpahayag din ng suporta si vice presidential candidate at Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa kandidatura ni Villanueva na kanyang tinukoy na may malinaw na programa para magkaroon ng trabaho at kabuhayan ang bawat mamamayang Pilipino.

Magugunitang bago pa man ang pagsisimula ng kampanya ay kasama si Villanueva sa mga senatorial line up ng tambalang Lacson-Sotto, Pacquioa -Atienza at Moreno-Ong ngunit sa kick off proclamation rally ng mga nabanggit na tambalan ay walang dinaluhan na kahit isa man si Tesdaman bilang pagrespeto sa bawat isa sa kanila bukod sa mayroon siyang naunang importanteng imbistasyon.

Nagpa-abot din ng kanyang pasasalamat si Villanueva sa mga presidential tandem na nagtitiwala at naniniwala sa kanyang kakayahan habang nagsagawa rin siya ng kanyang kick off campaign sa pamamagitan ng social media nasinubaybayan ng maraming Pilipino sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Dito inihayag ni Villanueva ang kanyang naging trabaho sa senado at tiniyak sa publiko na muli siyang magtatrabaho bilang empleyado ng senado sa sandalling mahalal para muling makapagbigay ng tulong, trabaho, negosyo at kabuhayan para sa bawat mamamayang Pilipino.

AUTHOR PROFILE