Bong Go

TESDA graduates inayudahan ni Sen. Go

September 25, 2023 People's Tonight 335 views

BINATI ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga matagumpay na nagsipagtapos ng kanilang mga programa sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Philippine Competency Training and Assessment Center Inc. sa Guagua, Pampanga.

“Napakalaki ng kagalakan at pagmamalaki na ipinaaabot ko ang aking mainit na pagbati sa bawat isa sa inyo sa matagumpay na pagkumpleto ng inyong mga programa sa TESDA,” sabi ni Go sa graduates sa isang video message.

“Your dedication, hard work, and determination have truly paid off, and you stand as shining examples of the power of education and skill development. Through your commitment, you have not only enhanced your own capabilities but also contributed to the growth and progress of our nation,” idinagdag niya.

Bilang bahagi ng kanyang suporta, nagbigay si Go ng maliliit na token sa mga nagtapos, kinabibilangan ng grocery packs, meryenda, masks, kamiseta, at bola para sa basketball at volleyball habang may ilang tumanggap ng sapatos.

“Kayo po ang kinabukasan ng bayang ito at iyan po ang tanging puhunan natin sa mundong ito — ang edukasyon. Makakaasa naman po kayo na kasama ninyo ako at ang buong pamahalaan sa inyong paglalakbay. Asahan ninyo ang aking patuloy na suporta sa inyong mga pangarap at adhikain,” sabi ng senador.

Batay sa mga tagumpay ng Republic Act No. 10931 o ang Universal Access To Quality Tertiary Education Act na pinagtibay noong termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, isinulong naman ni Go ang SBN 1360 upang higit pang palawakin ang saklaw ng subsidiya sa tertiary education.

Ang panukalang ito ay naglalayong tiyakin ang mas malawak na spectrum ng mga naghahangad mag-aaral sa kolehiyo at magkaroon ng access sa tulong pinansyal para sa kanilang mga hangarin sa higher education.

Inihain din ng mambabatas ang Senate Bill No. 1190 na magpapalawak sa layunin ng Special Education Fund (SEF).

Magbibigay-daan ito sa mga lokal na pamahalaan na maglaan ng resources para sa pagpapabuti ng mga pasilidad na pang-edukasyon, pagsasanay ng guro, at pagbili ng mga kinakailangang materyal na pang-edukasyon.

“As you step forward into the workforce armed with your newfound skills, remember that the path you’ve chosen is one of endless possibilities. Your training at TESDA has equipped you with the tools to excel in your chosen fields, and I have no doubt that you will leave your mark on the industries you are about to enter,” sabi ni Go.

“Inaasahan ko na patuloy kayong magsisikap para sa kahusayan, upang patuloy na matuto at lumago, at magbigay ng inspirasyon sa iba sa inyong mga kwento ng tagumpay. Ang inyong mga nagawa ay magsisilbing inspirasyon sa marami, na nagpapakita ng kahalagahan ng bokasyonal na edukasyon at ang epekto nito sa mga indibidwal at sa ating lipunan sa kabuuan,” dagdag ng mambabatas.

AUTHOR PROFILE