Sunshine Larawan mula sa IG/Sunshine Guimary

Tender juicy

February 16, 2025 People's Tonight 204 views

NAGSILABASAN nga ang mga may “hotdog” niyang followers dahil muli na naman nilang nasilayan ang tender juicy na body ng hot actress na si Sunshine Guimary.

Kahit na anong panukat pa ang gamitin, walang katapat ang pamatay niyang wangkata.

Mula ulo hanggang sa kasuluk-sulukan ng kanyang patakam na alindog sa isang Instagram post, walang tapon sa linamnam niyang dala.

Sa larawang kanyang ibinahagi, makikita ang hot actress na nakabulatlat ang kaseksihan habang nasa beach. Tatambad sa mga bibisita sa kanyang page ang perpektong kurba ng kanyang bewang.

Suot-suot ang two-piece string bikini, pinanggigilan ng mga barako ang sizzling body niya na parang pulutan sa inuman.

Hindi magkandaugaga ang kanyang followers sa kanyang post. Walang pag-aalangan ang pag-double tap ng netizens sa kanyang mga larawan para ito’y pusuan.

“Hotness overload again Ms. Sunshine,” sey ng isang IG user.

Nakilala si Sunshine sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Kaka (2021), Shoot shoot! Di ko siya titigilan! (2021), at House Tour (2021).

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar